SANA AKO NA LANG :(

Written by: RedinLove

 

True story po ito. No joke. Except sa name po, need some privacy rin naman. Enjoy~! 

________________________________________

 

Sabi nga nila, Ang buhay parang "life" -- mahirap. Pero lahat naman tayo kinakaya hindi ba? Lahat ng aksyon natin hindi ganun kadaling gawin. Hindi ganun kadaling gawin kung sa mga desisyon mo sa buhay ay hindi mo alam kung tama ka ba. Hindi ganun kadaling sabihin na ginawa mo yun kasi dun ka masaya. Kung ang totoong rason nito ay ginawa mo yun kasi alam mong dun SIYA sasaya.

 

Ako nga pala si Czarina Joice P. Villegas. Isang "tahimik" na babae pero minsan naman tinotopak rin. Masaya bilang simpleng babae, at masaya dahil kahit papaano ay nagkaroon rin naman ako ng mga tunay na kaibigan.

 

Si Marrian Javier. Isang simpleng babae na kuntento na sa boyfriend niya. Isang makulit, pasaway at moody na babae. Siya nga pala ang Bestfriend ko. Matagal na kaming magkakilala kaya naman kilala ko na siya. Pero hindi niya ako ganun kakilala.

 

Dahil ako ang tipong babaeng hindi marunong magshare.

 

Kaya nga pati nararamdaman ko, hindi niya alam.

 

Anong magagawa ko? Pinanganak akong ganito eh. Kaya maraming tao ang nagsasabi sa akin ng problema at mga sikreto nila. Kasi alam nilang hindi ko kayang sabihin ito sa iba. At isa yun sa mga ayaw ko sa personalidad ko. Sila, kaya nilang sabihin ang nararamdaman nila. Samantalang ako, eto di ko kaya. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit pero ganito talaga ako. 

 

Buti sa kanila naiishare nila ang mga problema nila, at kahit papaano ay may tinik na nawala sa dibdib nila dahil sa pagsabi nila nun. Habang ako? Wala. Walang ginawa kung hindi bigyan lang sila ng advice. At ang sakit isiping hindi ko kayang gawin yung mga ginagawa nila. Pero hindi nila alam yun, kasi nga alam nilang ganito ako. Ganito ako -- kuntento na sa ikaliligaya ng iba. 

 

-------

 

First year na kami. At first day of school namin. Ang school kasi namin is divided into two departments. The Elementary department and the Highschool department. Ibig sabihin, old student na ako kasi mula grade one ay sa school na ito ako lumaki, kasama ang bestfriend ko.

 

"Alam mo yung feeling na kinakabahan ako ngayon. Ang dami naman kasing mga bagong mukha eh. Nakakapanibago." 

 

sabi ko kay mariaane habang siya ay nilalagay ang bag niya sa upuan sa second to the last row sa gilid malapit sa bintana.

 

"Oo nga eh. Asan na kaya si Rina?"

 

Si Rina Dela Cruz ang kaibigan din namin. Pero nung grade 5 lang siya napalapit sa amin. Ang kaso di kami ganun kaclose ni Rina dahilan na rin sa medyo lagi silang magkausap ni Marianne. 

 

"Andito ako." tawag ni Rina sa amin.

 

Naupo na kami at nagstart na ang unang klase namin. Syempre magpapakilala kami. Nang biglang may nakita akong lalaking sobrang KULIT. at joker kaya naman tawa kami ng tawa sa mga jokes niya. Ang kulit niya, ultimo sa pagtour namin kanina.

 

Pasaway -______-"

 

"Hi~~ my name is Earl  Mark Reyes. You can call me handsome este pangit este cute este Earl. hahaha"

 

At tumawa lahat ng klase. Ang kuleet.

 

Kinagabihan. May nagtext sa akin, unregistered number

--

From: +63928*******

 

Hi. Pwede ba kitang maging textmate?/

--

Ayaw ko sana siyang textan pero may parte sa akin na nagsasabing replayan ko. Kaya nagreply naman ako

--

To: +63928*******

 

Hindi pwede eh. Sino ba to?

--

Ang tagal niya bago nagtext. 

*beep beep*

 

Nagulat ako bigla, kaya napatakbo ako at kinuha agad yung cellphone ko at nakita kong nagreply siya. 

 

--

From: +63928*******

 

Si  Earl to. :)

--

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang.

 

--

To: +63928*******

 

Kung ikaw si Earl, Ano true name mo pati middle name mo? At saan mo nakuha number ko?

--

Nagtext naman siya.

 

--

From: +63928*******

 

Earl Mark I. Reyes. Ignacio middle name ko. Kinuha ko kay Kelly.

 

--

 

Bigla na lang napangiti ako. Kinuha niya? Talaga? siya pa talaga nageffort kunin or...

 

 

wala lang siyang magawa kaya niya kinuha? Tss. -_______-"

 

**

[ Play the video on the right :( ]


Ilang araw ang nagdaan, lagi kaming nagtetextan, nagkukulitan sa text, at marami na akong alam tungkol sa kanya.

 

 

Hanggang sa isang araw nalaman ko na lang na gusto ko na pala siya. Hindi ko alam kung kailan, paano, saan at kung bakit. Basta nafeel ko na lang agad. 

 

At ang masama pa dun, nagbibigay siya ng motibo para magustuhan ko siya. Pero pinipilit kong nilalayo ang sarili ko sakanya pero di ko kaya.

 

Alam mo yung feeling na Mag - ggm pa ako para lang sakanya, tapos pag di nagreply eh uulitin ko? minsan pa nga kunwari nag-gm ako pero sakanya ko lang talaga isesend. Hanggang sa...

 

-October 14 20XX-

 

Saturday night ngayon. Balak ko sanang magfacebook ng may naggm. 

 

Pagtingin ko kung kanino biglang nakaramdam ako ng kaba. Sobrang kaba. Pero nilakasan ko lang ang loob ko.

 

From: +63928*******

 

Goodnight~

 

-

bheibyko- ILOVEYOU.. <3

 

Gm. Angsaya :) 10.14 

--

 


 

:(







:'(






bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis feeling ko nga puputok na eh. Aalis na.

 

Joke lang naman siguro ni Earl yun, alam mo naman yun lakas mangtopak kaya tinextan ko siya kung sino yun. At yung reply niya ang nakapagpabago ng gabi ko.

 

--

From: +63928*******

 

Topppaaaakkkk~~~ kami na. kami na!!! Si Casey Joanne Gonzales. :)  Ang saya saya ko. Sinagot na niya ako. Ilove her.. so much ^_^ 

--

 

(tawagan namin ang topak. Hehe :D )

Nabitawan ko ang cellphone ko. At bigla kong napatakip sa bibig ko. Ibig sabihin? sila na. sila na ng.. barkada ko??

 

Si Casey.. isa sa barkada ko, ang pinkamalakas ang topak sa amin. Joker minsan at tawa ng tawa, ang lakas lakas pa nga eh. 

 

**

Dumaan ang mga araw na sila na nga talaga.

 

 

Alam mo yung feeling na sasabog ka na!




Eto yun eh.




 

Pero di ko kayang sabihing nasasaktan ako. Di ko kayang sabihin na 'sana ako na lang.' Hindi ko kaya! Kasi sa mga sandaling iyon ko lang naramdaman ang salitang kaligayan sa mga mata niya. Aww :(

 

Naging sila ng barkada ko. BARKADA KO YUN?!! shet lang. Hirap kaya makitang magkasama sila diba? Yung tipong susunod lagi si Earl kay Casey. Bibigyan ng food tuwing recess or lunch. Or di kaya susunduin siya tuwing labasan na namin. Makikita mo silang magkasama tuwing umaga, tanghali, hapon hanggang uwian. Yung feeling na bubuhatin niya pa yung bag ni Casey? Yung feeling na MAGHOHOLDING HANDS SILA IN PUBLIC? Yung feeling na sasabihan niya sa lahat ng tao na masaya siya kasi sinagot na siya ni Casey. Yung feeling na pag group activity makikipalit siya sa iba para makasama lang niya si Casey. Yung feeling na magsasabihan sila ng ILOVEYOU sa HARAPAN MO??? Yung tipong...

 

 

 

Ang saya saya nila?

 

 

 

Alam mo yung feeling? Ang sakit diba? Dito ko lang nalaman na MAHAL KO NA SIYA. At naiiyak ako. Naluluha, gusto kong umiyak tuwing gabi pag naiisip kong ang saya nila. Naiiyak ako kasi...

 

Alam ko sa parte kong naiingit ako ..

 

at naiiyak ako kasi..

 

 

 

 

sana ako na lang siya =(

 

Ang sakit! Ang sakit sakit! Sobra!! 

 

Bakit ba ang hirap tanggapin??

 

 

Pero wala akong karapatang masaktan kasi sa una pa lang talo na ako. Hindi kami. At ang masakit dun hindi niya ako mahal. Kaibigan lang ako. Kaibigan lang :(

 

**

And then nung New Year.. nagunli call ako ng 5days. Unli call and text sa smart para tawagan siya pero ipapasagot ko si ate nahihiya kasi ako. Friend pa rin naman kami at tanggap kong dun na lang talaga kami.




Masaya na siya eh, alangan namang guluhin ko pa di ba?

 

 


"Ang hirap kayang magpanggap, magmahal at magkunwaring hindi nasasaktan."



 

and then nung pasukan na, nalaman kong di na daw sila. Medyo di rin ako naging happy kasi..

 

kasi..

 

Mahal pa rin nila ang isat isa..

 

Alam ko yun. Alam naming lahat yun. (ako, barkada ko, pamilya niya, at mga teachers) Then gumawa ako ng paraan para maging close ulit sila. Wala kasi silang official break up eh. Minsan inuubos ko pa yung oras ko para lang magedit ng picture nila then ipopost ko sa wall nila. Oh sige ako na. 

 

Ako na!!

 

Ako na tanga.

Ako na martyr.



Sorry naman. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya eh. Masaya ako tuwing masaya siya at kailangan kong ibalik yung dating Earl na nakilala ko. 

 

Pinipilit kong maging sila ulit kasi alam kong dun siya masaya :( And then yun.. kahit anong pilit ko ayaw na nila ang gulo nila -____-" Sayang tuloy effort ko. Psh!

 

**

Second year highschool ako. Nagtetextan pa kami pero di ganun katulad ng dati. May nagugustuhan na siya at wala na akong masyadong paki alam dun. Ayaw ko na rin siyang isipin. Ang hirap kayang umasa. Babae rin naman ako at tulad ng karamihan umasa lang din ako. Pero tama na yun.

 

-February 14- Valentines Day 

 

From: +63928*******

 

Buti pa ang kalendaryo may date. Ako wala? Pwede bang ikaw makadate ko? 

--

 

Sa mga sandaling ito. Nainlove ulit ako sakanya. Sinabi niya kasing gusto daw niya ako. Ang hirap. Ang hirap umiwas sa nararamdaman. Ayaw ko na eh. Hirap masaktan. 

 

Hindi ako pumayag, alangan. Ano na lang isipin ng iba sa akin. Ayaw ko. Kasi alam ko namang Trip niya lang yun. Alam ko. Kahit ang sakit, alam ko yun. Kaya hindi ako pumayag.

 

**

Vacation na. Magthithirdyear na kami. At bigla ko na lang siya namiss at dahil sa peg na Tambayan 101.9 sa radio dun ulit kami nagkasundo at nagkatextan muli. Parang ang saya ng feeling ko. At kasama nun ang sobrang sakit na naramdaman ko.

 

Umaasa nanaman ako. Umaasa ako na kaya niya akong mahalin. Umaasa nanaman ako na sana mapansin niya ako. Umaasa nanaman ako.. kahit alam kong masasaktan lang ako. Umaasa pa rin ako. Pero may masakit pa pala.

 

Yun yung umasa ka..

 

 

Umasa ka sa WALA.

 

Ako na! Ako na tanga! 

 

Sensya naman. Nagmahal lang. Ganyan ang routine sa pagmamahal, matapos maging masaya, magmamahal biglang masasaktan at babalik ulit sa masaya. Paulit-ulit!!

 

At paulit-ulit lang din ako nagmamahal sa kanya. Ang hirap. Ang sakit. Tama na. Pagod na ako. Sobrang nasasaktan naman na ako kakaisip na sana mahalin niya ako. Kahit minsan lang. 

 

Hanggang sa nasaktan nanaman ako. Hindi niya yun ginusto.. pero alam kong hindi ko rin ginustong magmahal ako sa isang taong alam kong hindi ako kayang mahalin. Mahirap. Alam ko, pero anong magagawa ko? Wala. Kasi alam kong nasaktan na ako. Sobra sobra! at ayaw ko na. Tama na. Ayaw ko ng umasa. 

 

Sabi nga ni Kim Balot na bestfriend/ex-gf ni Yves sa pbb -- "Hindi ganun kadali yun, ganun kasakit yun."

 

Alam mo yung mga bagay na handa mong gawin para sa kanya, kahit sobrang masaktan ka. When love comes...mas inaalala mo yung nararamdaman niya na minsan nalilimutan mo na yung ikakasiya mo.


Minsan kaylangan mo ring bumitaw. Mas mabuti na yung masaktan ka ng MINSANAN, kaysa sa MAGDUSA at MASAKTAN ng araw araw.

 

Ang hirap maging ako. Ang hirap maging si Czarina Joice Villegas. Kasi sa buhay ko, ang inintindi ko lang ang ikaliligaya ng iba. Tuloy nakalimutan kong paligayahin din ang sarili ko. Nakalimutan kong kailangan ko rin ng mga ngiti at puro hindi luha.  

 

Alam mo yung feeling na, ginawa mo na lahat para sakanya. Pero sa huli hindi ka man lang niya pinagpasalamatan? Ang sakit. Masakit maging isang kaibigan lang.

 

 

Ang hirap magtago ng nararamdaman. Hirap umasa sa wala. Higit sa lahat hirap sabihing "ok lang ako" kung hindi naman talaga. 

 

 

kung sana..

 

 

KUNG SANA AKO NA LANG..

 

kung sana kasi...

 

 

 

 

 

 

AKO na lang. 

 

 

 ='(


____________________________________

First One shot story :))


Hindi lahat ng story happy ending. Kasi alam kong.. hindi pa ito tapos kasi alam kong dito palang maguumpisa. 

^___^

Story po yan ng friend ko. True life experience.

"Minsan pag nagmamahal nasasaktan, pero laging tandaan. Hindi ka masasaktan kung alam mo sa sarili mong nagmahal ka lang. At sabi nga ng friend ko masaya siya, masaya na siya kasi nalet-go na niya ang nararamdaman niya.

Kasi daw Ang pagmomove-on ay parang marathon. Hindi ka mananalo kung lingon ka ng lingon.

"Hindi naman ako tumigil sa pagmamahal sayo. Pero sa paghihintay, dun ako huminto." --sabi niya


At wala siyang pinagsisihan kasi kahit papaano ay naramdaman niya naman daw ang salitang pagmamahal na kahit katambal niya ang pain, atleast naramdaman niya parin ito."


Laging tandaan.


Too much expectations leads to disappointment and frustrations :)

 

Keep Smiling Always~


--xx


 Copyright © 2012. All rights reserved.

Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by RedinLove™. All rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose other than personal use. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or re-transmission, in any form or by any means, electronic, mechanical or otherwise, for reasons other than personal use, is strictly prohibited without prior written permission.

Disclaimer: 

The website names, links, and information contained in this website, are subject to change, without notice.

 If you have any questions, comments, or concerns, please E-Mail me at redinlove43@yahoo.com  

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola